Wednesday, December 01, 2004

When it rains, it pours

Half day kami ngayon... Ayos...

Sa aming mga empleyado, ang half-day o work suspension ay isang pagdiriwang upang kahit isang maulang araw, makapagpahinga kami sa nakakabagot at nakakapagod na trabaho. Ito ang nagsisilbing bakasyon namin na hindi nagagalaw ang aming leave credits. Kaya masaya...

Iniisip ko lang... At dahil diyan, nakokonsiyensya akong magdiwang ng lubusan sa pagdedeklara ng half day. Dahil sa mga kapatid natin sa parteng Quezon, Nueva Ecija, Rizal, Mindoro, at Bicol, ang pagdedeklara sa Maynila ng walang pasok ay signos na tuluyan pa silang palulubugin ng buhawi at bagyo. It simply means there is a bigger destruction at hand. Nakakaawa talaga ang mga tao sa mga lugar na ito. Sa kasalukuyan, lagpas 400 na ang namamatay. Harinawa'y magmilagro na lamang at lumihis ang bagyo upang hindi na magdulot ng mas malalaki pang pinsala. Magpapasko pa naman...

Abut-abot talaga ang kamalasan nitong huling mga buwan ng taon. Noong una, natatakot ang ating mga magsasaka dahil sa may mga balitang magkakaroon ng El NiƱo sa mga darating na buwan na aabot sa buwan ng Hunyo ng susunod na taon. Bigla namang bumaligtad ang tadhana, at nagkasunud-sunod naman ang mga bagyo. Inumpisahan ni Unding, ang bagyong dumukot sa libu-libong mga bubong ng mga kabahayan sa Roxas, Mindoro at kumitil sa buhay ng daan-daang residente. Sumunod naman ang bagyong Violeta at Winnie na nagdulot ng biglaang pagbaha sa parteng Nueva Ecija at Aurora. Nakalbo na raw kasi ang ilang parte ng Siera Madre kaya wala nang mga punong sasalo ng tubig ulan. Kaya't ayun. nagbagsakan lahat sa mga ilog... Kabilang dito ang Marikina River. Kaya ngayon, lubog sila sa tubig... At eto na naman... parating na ang bagyong "Yoyong." Kaya kami half-day.

Sana naman ay hindi na ito lumakas...

----------------------------------------------------------------

Happy thoughts naman:

23 days to go before Christmas... Still no decorations in our office...

Out office Teambuilding is fast approaching. May venue na... sa Biniktikan daw sa loob ng Subic.


----------------------------------------------------------------
Trivia trivia:

Did you know: Former singer and member of Ryan Cayabyab's Smokey Mountain Tony Lambino is studying pre-divinity in the Ateneo... This means that he's rooting to be a full-blown Jesuit priest someday.

1 comment :

Bubbles said...

shocks talaga?
so i guess break na sila ng girlfriend niya na prof din sa ateneo..