Bakit ang mga pinoy hiraaaaap na hirap mag-ulit ng mga letra? madalas kulang ang nasasabi nilang letra kapag nagbabanggit ng lugar o pangalan? Eto ang tatlong sa pinakamadalas na magkamali ang mga kababayan natin sa pagbigkas:
1. SSS - It ang pinaikling Social Security System. Bakit ang madalas kong marinig sa barker ay SS? Minsan may nakasabay ako sa MRT na mga mag-aaply ng trabaho at papunta ng Makati, binanggit ng isa: "Di pa nga ako nakakapunta ng SS eh. Kelangan daw ng ID." Bakit kailangang kulang ng isang S? hmp.
2. BBB - it ay isang lugar na Valenzuela. Isang landmark. Babaan ng mga pasahero. Pero madalas ko rin marinig ang mga tao kapag nagbabayad ng papuntang BBB ay ganito:
konduktor: Saan kayo ma'am?
pasahero: sa BB.
Sa BB?!?! O sa BBB?!?! Isang pantig lang naman ang B bakit hindi masabi?!?!
3. WWW - ito ang pinaikling world wide web. Madalas itong pagkakamali ng mga announcer sa radyo o TV, pati ng mga advertiser at guest kung gusto nilang magpapunta ng mga panauhin sa website nila. Ganito ang kadalasang sambit nila: "Sa mga interesado po sa aming produkto maaari po ninyo kaming bisitahin online sa WW.-blah-blah-.COM" Minsan sinubukan ko kung meron talagang webpage na dalawang W lang ang kailangan e. Napunta lang ako sa "Cannot Find Server" page.
Yun kaya ay madalas lang talagang pagkakamali o isang repleksyon ng katamaran ng mga kababayan natin, na pati pagbigkas ng tama ay hindi pa magawa dahil tinatamad magbanggit ng isa pang letra?!?! Nagtatanong lang.
No comments :
Post a Comment