Monday, January 31, 2011

Mga Pagninilay sa aking unang linggo

Bilang isang Pilipino, marami na tayong nakagawian, nakasanayan at nakalakihan. Kapag ikaw ay mappadpad sa banyagang lugar tulad ng Estados Unidos, may mga bagay na maninibago ka at maiiba ang pananaw mo.

Mga nakakapanibagong bagay sa aking pangingibang bansa:

10. You're sooooo wired! - May internet kahit saan ka magpunta at mura ito! Ehem, Smart, Globe. Itigil na ang monopolistic capitalism ng Telco at tumapat na kayo sa bilis ng mundo!

9. NLEX is the normal highway - Ang normal na highway ay mukhang NLEX/SCTEX palagi. Kaya palaging mabilis ang biyahe.

8. Have it your way all the time - Karamihan sa mga fastfood ay drink all you can ang sodas at iced tea. Wala naman akong nakikita ditong mga Amerikanong nagdadala ng Coleman at pinupuno ang mga ito. Malamang kaya hindi ito naaalis sa mga fastfood hindi katulad ng Burger King sa Pinas.

7. Rewards here and there - Lahat ng department store, bookstore, appliance store, may kanya-kanyang rewards and loyalty program. Meron silang card copy, at keychain copy na kung saan yung card puwede mo ikabit sa keychain nang hindi mo makalimutan ang rewards! At ang masaya diyan, ang rewards card ay libre! Ehem, SM Advantage.

6. Pareho ang paraan ng pagbili ng Potato Chips at 40" LED TV - Paano? Hanapin ang gustong brand, ilagay sa Cart, bayaran, ilagay sa Kotse. Tapos. Testing? Ikaw magtesting sa bahay, bahala ka sa buhay mo!!!
5. Ang yebe ay nakakatuuwa lamang kung tapos na ang snow storm. Kapag na

4. Hindi banidoso ang pagkakaroon ng skin treatment process - Dati, pagkatapos ko maligo, pabango lang puwede na. Dahil sa lamig at dryness ng panahon, kailangan ko na maglagay ng oil para uminit ang likod, lotion para sa dryness, lip balm para sa chapped lips, enhancer para sa dry skin... Mula 15-minute baths, doble na ang oras ng ligo ko. hehehe

3. Mahilig sila sa Malalaking bagay! - Ang Supermarket na Costco ay isang wholesale store na nagbebenta ng mga produktong hindi mo akalain may ganung kalaking size. Dito ka makakakita ng MALAKING Tide, MALAKING Potato Chips, MALAKING tissue. Lahat MALAKI!

2. Consumer-centric ang mga tindahan dito - Pag hindi mo trip ang produktong binili mo, ibalik mo within the store's return time. At most 30 days yun. Ibabalik nila bayad mo! Hindi uso ang "NO RETURN, NO EXCHANGE" dito. :)

1. Clean as you go - Sa fastfood, hindi puwede iwan mo ang mnesa mo na marumi at may lalapit na "Equitable Manpower Services" at lilinisin ang puwesto mo. Tapat mo, linis mo!

Marami pang iba ang nakakapanibago. At lahat ito ay matuturing na "upgrade" sa nakasanayan. Mas lumawak ang kaalaman, mas lumawak ang kalayaan. Alam ko na ngayon kung bakit lahat ng tao ay gustong mapunta sa bansang ito.

Ngunit sa gitna ng karangyaan at kapangyarihan nais ibigay ng bansang ito sa bawat taong mapunta rito, hindi naman nito makakayang ibigay ang ligaya't sayang dulot ng ating nakasanayan at nakalakihan. Sa gitna ng bilis at laki ng lahat ng bagay dito, mapapatigil ka at biglaang mamimiss ang iyong mga naiwan, ang iyong mga nakagawian. Parang ngayon. Bigla kong namiss ang trapik ng EDSA. Ang ngiti at buhay na buhay na pagbati ng service crew ng McDo. Ang pagtetext ng mga kaibigan ng "Gimik 2nyt?" o "Inom tayo!" o "San ka? Kape!" Ang paghigop ng mainit na lugaw na sinamahan ng tokwa't baboy. At higit sa lahat, ang pagyakap ng iyong mga kamag-anak at magulang at kapatid sa tuwing magkikita-kita sa isang birthday party, kasal, binyag, o ano pa mang dahilan upang magkita-kita. Malamang ang mga ito, hinding hindi matutumbasan ng kahit ano pa mang bilis o laki.

Cheers!

No comments :