Thursday, July 10, 2008

Talk N' Text vs. Purefoods Basketbrawl

aTama lang yung ginawa ni James Yap. Dapat talaga may hangganan ang pagiging mabait ng mga Pinoy eh. Ang yabang pa ng import na si Terrence Leather, siya pa tong nambato ng bola kay Jon Dan Salvador. Siguro nasaktan dahil malakas din katawan ni Jon Dan eh. Pero sa play na iyon, kahit ulit-ulitin pa, talagang si Leather and nagsimula ng away. Eh simpleng banggaan lang naman ang namagitan sa kanila eh. Napikon lang talaga ang import. Ayos lang yung ginawa ni James Yap para manahimik. Pasalamat nga siya di siya kinuyog ng mga taga-Purefoods eh. Sa larong kalye nga pag nag-angas ang dayo sa katabing village/ baranggay, kuyog kaagad yan ng mga kapitbahay. Eh itong si Leather, ang lakas ng loob mag-angas dito, di niya alam na dayo lang siya. hehehe.

No comments :