Tuesday, June 09, 2009

Manny Pacquiao in Fortune 100 Celebrities

Isang pagpupugay kay Manny Pacquiao na muli na namang pinatunayan ang kanyang katanyagan sa buong mundo, sa kanyang pagiging kabilang sa 100 pinakamakapangyarihang celebrity, ayon sa Forbes. Siya at pang limampu't pito, at ang kaisa-isang Pilipinong napabilang sa hanay na ito. Ang nanguna sa talaan ay si Angelina Jolie, na siya namang dinaig ang batikang TV host na si Oprah Winfrey.

Sa 18 manlalaro sa iba't ibang larangan na napasama sa talaan, si Pacquiao lamang ang natatanging boksingerong napabilang, at nagtamo ng pansampung puwesto.

Ang nasabing talaan ay tinitingnan ang media value, web value, kinikita at abot ng kaalaman ng madla sa mga batikang tao sa larangan ng entertainment at palakasan. Si Manny ay napabalitang kumita ng $40 milyon, ayon na rin sa Forbes.

Mabuhay ka Manny! Patuloy mong pinapasikat ang lahing Pilipino!

Mabuhay din ang mga Pilipinong world class! Ayos!

P.S. Huwag ka nang tumakbo, Manny... Tumulong ka na lang sa naghihingalong industriya ng palakasan sa Pilipinas.

No comments :